PTA meeting kahapon... mejo kinakabahan ako, kasi baka may mga parents na mag-raise ng incident about Dale... at meron nga! Dale cut daw the bag of one child... hay... wala ako nung nagsalita ang parent, i went to Anea's classroom... ang sabi sa kin ng guidance counsellor (Ms. Garcia), ang sabi niya lang daw is kakausapin niya si Dale at yung isa pang child kung ano nangyari... we didn't have to tell them that Dale was a special child.
Sabi sa kin ni Dale, kasi daw si Carmela, she hit him on the head... kaya he borrowed a classmate's scissor and quickly cut Carmela's bag.. buti na lang hindi hair or something... wah!!!
the day that Dale wrote on his notebooks, nag-shadow pala nun sa kanya si Ms. Garcia. kaya after that, wala na naman... di na naman nagsusulat... nagiging problema na rin yung inability niya to speak, write and read Tagalog... nung nagtest sa Filipino, sinagot niya in English... Pero dun daw sa Math, mabilis naman daw natapos...
hay... ewan ko ba... sana pagpasok ng July maging ok na si Dale...
Saturday, June 24, 2006
Wednesday, June 21, 2006
sana tuloy-tuloy na...
Dale wrote on his notebooks today... he promised 3x, but he wrote 4x... *yey!*
i texted his teacher and thanked her for her patience.
i wish everyday is June 21.
Tuesday, June 20, 2006
hehe.
Just wanted to note that Dale wrote in one of his notebooks today... he promised he will write again tomorrow... *happy happy joy joy*
Monday, June 19, 2006
hay
i'm getting frustrated over Dale... he came home and still didn't write on the notebook... Grrr!
mag3 weeks na...
i'm losing it.
mag3 weeks na...
i'm losing it.
Friday, June 16, 2006
sad
hay... i just feel so sad today... Dale went home from school and when i saw his diary, it was stamped with a note from the guidance office. he was sent there coz he hit his classmate (Ryuji) with a pencil. Ryuji got a nasty cut on the side of his face near his ear.
Though Ryuji explained that it was his fault, coz he kept on nudging Dale's hand when he was drawing causing him to miss some lines, that is no excuse for Dale to hurt anyone... this was one of my worst fears when I knew that he'll be starting regular school. iba na kasi syempre pag regular school... mas mahigpit... pwede siyang makickout sa dami ng violations...
i know i'm being hard on him and myself... pero i can't help it. i worry lagi... gusto ko lang talaga siya mapabuti... i'm not wishing for anything grand... i'm not after medals... i just want him to be... NORMAL.
i talked to Dale and as punishment i made him write HITTING IS BAD in two pieces of paper. Of course, i had to tell some lies.... and that if he keep on doing bad things, he will be sent back to SPED. that i feel bad and if he keeps on doing bad things, i might get sick and be sent to the hospital... i know, i'm evil. i hate it.

Friday, June 09, 2006
Minsan.
Ang dami kong iniisip nitong mga nakaraang araw. Sa sobrang dami, laging nasakit ang ulo ko. Parang napupuno ng napakaraming tanong pero wala namang kasagutan.
Pumapasok na si Arolf sa eskwelahan. Nung unang araw, hinatid ko sila ni Anea. Hinintay ko sandali. Nagmasid ako sa silid nila, tinitingnan kung maayos na nagaaral si Arolf. Nakita ko siyang kiming nagtataas ng kamay. Nagsasalita ng walang nakikinig. Tumatayo ng hindi naman dapat.
Binalikan ko siya bago sila maguwian. Inabutan ko syang palabas ng silid may hawak na tissue. Alam ko, dudumi siya. Yun ang isa pang iniisip ko. Walang oras ang kanyang pagdumi. Hindi ko tuloy alam kung pano ko ito sasabihin sa kanyang mga guro. Hindi pa naman siya gaanong marunong. Nakita ko rin ang banyo, hindi naman gaanong malinis. Nakakatakot na baka makakuha siya ng sakit dahil sa paggamit ng maduming banyo.
Hindi siya nagsulat sa kanilang diary. May assignment pa naman. Kailangan niyang magsaulo ng kung anu-ano. Vision, Mission, Morning Prayer, etc. Naisip ko na, mahihirapan siya. Tama nga ako. Dalawang araw na naming sinasaulo ang mga ito, hindi pa rin niya masaulo lahat. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumuko. Naisip ko tuloy, bakit ako ang binigyan ng Panginoon ng ganitong pagsubok? Bigla kong binawi, dahil naisip ko, hindi siya isang pagsubok--anak ko siya.
Masakit isipin na pwedeng isang araw ay bigla na lamang siyang huminto sa pagaaral. Pwedeng umayaw siya dahil sa hindi na niya kaya ang mga pinagagawa sa kanya ng kanyang mga guro. Lagi kong naririnig sa kanya ngayon na "regular school is so difficult." Kinakailangan ko pa siyang takutin ng ibabalik namin siya sa SPED kung hindi siya magaaral ng mabuti... na isusumbong ko siya sa lolo niya.
Ayoko ng ginagawa ko. Ayoko ng tinatakot ko siya. Ayokong pilitin siya. Pero hindi ko matanggal sa sarili ko na mainis, na magalit pag hindi siya nasunod at gawin ang mga dapat niyang gawin. Na sumigaw pag hindi ko nakikita na bumubuti ang ugali niya. Na kakayanin niya na mamuhay ng normal.
Gusto kong umiyak.
Minsan, gusto ko ng sumuko.
Pero sa paanong paraan? San ko huhugutin ang damdaming 'pagsuko' kung sa araw-araw na nagdududa akong bubuti siya ay lalo ko naman siyang minamahal?
Minsan, gusto ko na lang siyang itigil sa pagaaral.
Pero sa paanong paraan? Pano ko maaatim na patigilin siya kung sa araw-araw na natatakot ako na kutyain siya ng mga tao dahil sa kanyang kalagayan ay lalo ko naman siyang nakikita na bumubuti?
Minsan, gusto ko ng iuntog ang ulo ko para makalimutan ko ang lahat.
Pero sa paanong paraan? Paano ko gugustuhing makalimutan ang lahat kung parte siya nito?
Mahal ko ang anak ko.
Minsan, nagdududa ako sa kakayahan niya. Minsan, nanghihina ako sa mga bagay na hindi niya magawa ng mabuti. Minsan, nagagalit ako sa mga maling nangyayari. Minsan, iniisip kong hindi ako ang tamang ina para sa kanya.
Pero, minsan lang yun.
Kaya ko ito. Alam ko. Sigurado ako.
Minsan lang kinakailangan kong magsumbong sa Diyos. Na sabihin sa kanya na huwag naman masyadong mabigat, Lord. Na sana bigyan ako ng mga araw na hindi ko kinakailangang magduda, sumigaw, magalit, at manakot.
Kahit minsan lang.
Pumapasok na si Arolf sa eskwelahan. Nung unang araw, hinatid ko sila ni Anea. Hinintay ko sandali. Nagmasid ako sa silid nila, tinitingnan kung maayos na nagaaral si Arolf. Nakita ko siyang kiming nagtataas ng kamay. Nagsasalita ng walang nakikinig. Tumatayo ng hindi naman dapat.
Binalikan ko siya bago sila maguwian. Inabutan ko syang palabas ng silid may hawak na tissue. Alam ko, dudumi siya. Yun ang isa pang iniisip ko. Walang oras ang kanyang pagdumi. Hindi ko tuloy alam kung pano ko ito sasabihin sa kanyang mga guro. Hindi pa naman siya gaanong marunong. Nakita ko rin ang banyo, hindi naman gaanong malinis. Nakakatakot na baka makakuha siya ng sakit dahil sa paggamit ng maduming banyo.
Hindi siya nagsulat sa kanilang diary. May assignment pa naman. Kailangan niyang magsaulo ng kung anu-ano. Vision, Mission, Morning Prayer, etc. Naisip ko na, mahihirapan siya. Tama nga ako. Dalawang araw na naming sinasaulo ang mga ito, hindi pa rin niya masaulo lahat. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumuko. Naisip ko tuloy, bakit ako ang binigyan ng Panginoon ng ganitong pagsubok? Bigla kong binawi, dahil naisip ko, hindi siya isang pagsubok--anak ko siya.
Ayoko ng ginagawa ko. Ayoko ng tinatakot ko siya. Ayokong pilitin siya. Pero hindi ko matanggal sa sarili ko na mainis, na magalit pag hindi siya nasunod at gawin ang mga dapat niyang gawin. Na sumigaw pag hindi ko nakikita na bumubuti ang ugali niya. Na kakayanin niya na mamuhay ng normal.
Gusto kong umiyak.
Minsan, gusto ko ng sumuko.
Pero sa paanong paraan? San ko huhugutin ang damdaming 'pagsuko' kung sa araw-araw na nagdududa akong bubuti siya ay lalo ko naman siyang minamahal?
Minsan, gusto ko na lang siyang itigil sa pagaaral.
Pero sa paanong paraan? Pano ko maaatim na patigilin siya kung sa araw-araw na natatakot ako na kutyain siya ng mga tao dahil sa kanyang kalagayan ay lalo ko naman siyang nakikita na bumubuti?
Minsan, gusto ko ng iuntog ang ulo ko para makalimutan ko ang lahat.
Pero sa paanong paraan? Paano ko gugustuhing makalimutan ang lahat kung parte siya nito?
Minsan, nagdududa ako sa kakayahan niya. Minsan, nanghihina ako sa mga bagay na hindi niya magawa ng mabuti. Minsan, nagagalit ako sa mga maling nangyayari. Minsan, iniisip kong hindi ako ang tamang ina para sa kanya.
Pero, minsan lang yun.
Kaya ko ito. Alam ko. Sigurado ako.
Minsan lang kinakailangan kong magsumbong sa Diyos. Na sabihin sa kanya na huwag naman masyadong mabigat, Lord. Na sana bigyan ako ng mga araw na hindi ko kinakailangang magduda, sumigaw, magalit, at manakot.
Kahit minsan lang.
Subscribe to:
Posts (Atom)