Monday, August 08, 2005

a life full of images

marami akong hindi naisulat sa blog na ito. kaninang tiningnan ko ang aking telepono (cheap lang to, kaya malabo ang mga litrato), ang dami na palang mga litrato dito. at nalaman ko rin na merong ibang taong gumamit. hehehe. kaya ngayong day-off ko naman at wala akong gagawin dito sa bahay, naisipan kong i-post na ang mga litratong ito...

ito ang mga litratong sabi ni Dale ay siya raw ang kumuha:

anton



ang yaya Baby nila:



at ang calculator na ginagamit niya pag tinatanong ko siya ng ten minus six at gusto niyang mandaya (ngayon ay wala na ang calculator na ito. har-har-har!):



na pati ang TV kinunan din:



kung kanino mang ano ito, ayoko ng alamin:



at ang mga ito naman ay in-edit niya gamit ng software sa
aking telepono na ang tawag ay FotoFunPack2:



at ang sunog sa may amin habang ako ay kumakain ng
paborito kong mangga at isda:



ito naman ang mga hitsura ko pag ako ay nasisiraan ng bait (bagong gising):

Image Hosted by ImageShack.us

o kung ako ay nasa opisina at nakikinig ng mp3s:



ito ang pamangkin kong kasing cute ko, pero mas maldita kesa sa kin:





na naglalakad na, kaso lang laging natutumba:



at ang bebe kong school boy na:

schoolboy Anton Image Hosted by ImageShack.us

at ang aking anak na kambal:



noon pa ako nagke-crave ng talaba... nami-miss ko kasi ang inuman ng tatay ko at mga kaibigan niya... hindi nawawalan dati ng talaba sa lamesang puro pulutan. nasabi ko ito kay Ronald matagal na, at isang araw, dumating siya sa bahay ng may dalang talaba, tahong, at tokwa--lahat paborito ko... yun nga lang, pahirapan. kasi pers taym kong gagawa ng kilawing talaba. di ko alam kung pano ito bubuksan (nalaman ko na lang after na pinapakuluan pala yun para bumuka--huateber!!!!). ito ang naging resulta:





hindi ko na nakunan ang finished product, kasi pagkaluto palang nito sa suka, finished na siya agad at napunta na sa tsan ni Ronald. Mana ako sa tatay ko pag tsumatsamba sa pagluluto.

and lastly, images that will never make the Mirror Project:



maraming nangyayari sa buhay ko na hindi ko rin nailalagay lahat dito... meron kasing mga bagay na nakakalimutan, meron din namang mga bagay na ayoko ng maalala pa kahit kelan.

pero sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko... sa lahat ng karamay sa saya at lungkot... SALAMAT NG MARAMI.

No comments: